image
Your Block Name Here
Monday, October 5, 2009,

i think i was just saved from the dark. thanks to Jesus, through my mother and father.

OCTOBER 5 2009! darkest day (so far)
- i have cried almost the whole day. even i wasn't crying, i feel like i was crying within. it was a terrible feeling. ang bigat bigat sa pakiramdam. i was sobbing pero wala ng luha. akala ko wala na akong maiiyak. i was like having anxiety disorder and clinical depression. it was tough. being the pessimist me, i have attempted suicide. pero merong dalawang dahilan that have stopped me: first, i was scared of getting hurt tas hindi pa din mamamatay. ayoko ng ganun, it would make everything worse; and second, i don't like the fact na magagalit na naman si Lord sakin. He had enough of me. parang gusto nyang sabihin sakin, "bratinella, don't even think about it".

yeah Lord, nasindak Mo naman po ako e.

sinabi ko kay Lord, "Lord, kung sino man ang makakita ng lungkot sa mata ko, sila ang makakatulong sakin. Please let them find me."

bakit nga ba ako maghahanap pa sa malayo? i just realized yesterday na sila mama at papa lang pala yun.

eto ang mga nakapagpaiyak sakin ng bongga (this time, hindi na dahil sa sakit):

* i overheard my mom telling papa, "nakita ko nga, pagkagising pa lang nya (may karugtong pa, nabingi lang ako, di ko na narinig)" whatever it is, alam nya may mabigat akong dinadala.

* pagkadating ni papa, kinalabit ko sya from behind tas tumigil kami.
me: papa :(
papa: anong problema anak? (tas he embraced me) sinong umaway sa'yo?

after akala kong wala na akong iluluha, biglang tumulo luha ko. dun ko lang nayakap ang papa ko ng may problema ako, sa unang pagkakataon.

* dialogues ni papa dear
"kaya pala nung nagdadrive ako pauwi, matamlay ako. yun pala may problema ang sweetheart ko"

"matagal ko ng napapansin, kaya pala matagal na kitang hindi naririnig kumanta"

* si mama kahit inaaway ako ng bonga, i know that's just her way pero nag-aalala pa din sya sakin. thanks to her pang-aaway, para akong napompyang at nagising na after ng matagal na pagkatulala.

hay grabe! it's not yet over. pero less worries na ako. half relieved. after all, madami pa din akong dapat ipagpasalamat. salamat kasi i am closer to papa and mama than ever. salamat kasi alam ko natuto talaga ako. hay ewan ko na lang. salamat sa Diyos :) (uy! i'm smiling again)

5:57 PM